Nagsimula na ang panibagong financial year sa Australia. Para sa marami, ito rin ang simula ng panibagong financial goals. Ano ang financial goal ninyo ngayong taon? Mas gusto ba ninyong mag-ipon? Magbayad ng utang?Mag-invest? O baka naman mag-ipon para sa susunod na bakasyon?
Key Points
- Ang bagong financial year ay pagkakataong suriin ang ating kalagayang pinansyal. Panahon ito para balikan ang ating kinikita, ginagastos, iniipon at mga layuning nais nating makamit.
- Magkakaiba ang financial goals ng bawat isa. Maaaring ito ay pagbuo ng emergency fund, pagbabayad ng utang, pag-iipon para sa sariling bahay, pamumuhunan, pagreretiro o maging ang pinapangarap na paglalakbay.
- Hindi kailangang malaki agad ang simula mas mahalaga ang consistency at malinaw na plano. Ang maliliit ngunit regular na hakbang sa pag-iipon at maingat na paggastos ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa paglipas ng panahon.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, YouTube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook, Instagram and YouTube.
Share




