Key Points
- Mula Pebrero 13, sinumang eligible religious at cultural support group sa New South Wales ay maaaring makakuha ng isang beses na grant na nagkakahalaga mula $20,000.
- Sinimulan nang ipatupad ang ‘paid family and domestic violence leave’, na pumalit sa kasalukuyang unpaid leave.
- Puwedeng magamit ng sinumang full-time, part-time at casual na empleyado ang 10 araw na paid family and domestic violence leave sa loob ng 12 buwan.
Inaasahan na sa pamamagitan ng dagdag na pondo ng Pamahalaan, bayad na bakasyon mula sa trabaho at bagong teknolohiya – maging daan ang mga ito para sa mga pagbabago at ikabubuti ng mga biktima ng domestic violence.
Sa Queensland, isang bagong anti-Domestic Violence technology ang sinimulang gamitin.
Kapag na-i-activate, ang cloud-based program na ito ay magbibigay ng aletro sa pinakamalapit na network ko o koneksyon ng taong nakakaramdam na sila’y nasa panganib na masaktan ng kanilang kapareha o kapamilya.