Key Points
- Sa pederal na pulitika ng Australia, nagsimula ang taong 2025 sa usapin ng pambansang seguridad, kasunod ng muling paglitaw ng mga paratang na tiniktikan umano ng spy agency ng Australia ang cabinet room ng pamahalaan ng Timor-Leste, upang makakuha ng impormasyon habang isinasagawa ang negosasyon para sa Timor Sea Treaty.
- Noong Mayo, ginawa ang pederal na halalan, kung saan nanatili sa gobyerno ang Labor Party at nakapagtala ng rekord na dami ng karagdagang puwesto. Unang inihain sa Parlamento, ipinatupad ng pamahalaan ang 20 porsiyentong bawas sa utang sa HECS, kasabay ng ilang pagbabago sa mga patakaran sa aged care.
- Naging aktibo rin ang pamahalaang Albanese sa pandaigdigang entablado, na nakatuon sa mga usapin ng pagbabago ng klima, taripa ng Estados Unidos, at ugnayang diplomatiko.
- Bago matapos ang 2025, muling sentro ng usapin ang pambansang seguridad, matapos na hindi bababa sa 15 katao ang napatay sa isang teroristang pag-atake sa Bondi Beach, habang sila’y dumadalo sa isang pagdiriwang ng Hanukkah.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.




