Balik Pilipinas na kahapon si Pangulong Bongbong Marcos mula sa 42nd ASEAN summit sa Indonesia
Key Points
- Regional security, peace and order at regional development ang mga tinalakay ng mga ASEAN lider.
- Isinulong ng Pangulong Marcos ang code of conduct sa South China Sea.
- Sinabi Ni PBBM na suportado ng Pilipinas na palakasin ang kooperasyong pang-rehiyon para matugunan ang cross-border crimes, partikular ang human trafficking.
Sa ibang balita, Nasa 495 nang mga Pilipino ang napauwi ng pamahalaan mula sa Sudan.
Sinabi ni Foreign Affairs for Migrant Workers Assistant Secretary Paul Cortes na sa kasalukuyan ay nasa 864 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy na nagpa-rehistro na gustong makabalik sa pilipinas
730 sa mga ito ay nakaalis na ng Khartoum, 500 ang narito na sa bansa, at ang iba ay nasa Cairo, Egypt, habang mayroon ding patungo sa Port Sudan sa may Red Sea.





