Key Points
- Sinimulan ng Gawad Kalinga ang Operation Walang Iwanan para maghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.
- Pangunahing ihahatid ang tulong sa mga lugar na may natamong pinakamalaking pinsala.
- Ang bawat relief good package ay nagkakahalagang 500 pesos na naglalaman ng pangunahing pangangailangan.
'Hindi lamang Gawad Kalinga communities ang tutulungan, lahat ng naapektuhan ng bagyo ay tutulungan. Naitukoy ang Bulacan, Pampanga, Central Luzon, Quezon City, Manila, Taguig, Kalookan at Cavite bilang mga pagtutuunan ng pansin dahil ang mga lugar na ito ang natukoy na lubhang apektado. Kami ay nakikipagtulungan sa mga LGU at pribadong organisasyon para mas mapabilis ang paghatid ng tulong.' Marisa Vedar, Gawad Kalinga Australia sa paghingi ng tulong sa Australia para sa Operation Walang Iwanan sa Pilipinas.