Bayanihan lumalabas sa oras ng kalamidad

Members of the coast guard assisting residents following the aftermath of typhoon Vamco in Cagayan region

Members of the coast guard assisting residents following the aftermath of typhoon Vamco in Cagayan region Source: PHILIPPINE COAST GUARD

Maraming mga Pinoy sa Queensland ang nag-organisa ng donation campaign para makalikom ng pondo para sa mga biktima ng bagyong Ulysses.


Malayo man ang mga Pilipino dito sa Australia pero ramdam ang sakit dahil sa dinadanas ng ating mga kababayan sa Pilipinas.

Makikita sa social media ang ibat ibang larawan at video ng kalunos lunos nilang kakagayan at labis ang pag aalala ng ilan para sa mga kapamilyang naiwan doon.

Bukod sa panalangin kailangan ng ating mga kababayan ang tulong, pagkain, damit, gamot at iba pa.

Nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 at Dengue.

Dito sa Australia, maraming mga Pinoy ang nag-organisa ng donation campaign para makalikom ng pondo.

Tulad ng grade 12 student na si Rose Ann, ayon sa kanya hindi pwedeng wala daw siyang gagawing tulong. Hindi daw kasi siya makatulog laging naiisip ang kaawa-awang sitwasyon ng kanyang mga kababayan sa Cagayan.

Agad namang tumugon sa kanyang post sa Facebook  ang kanyang mga kaklase. May nagbibigay ng 5 dollars hanggang 100 dollars.

Kapag sapat na aniya ang pondo ay hahanap siya ng mapapagkatiwalaang organisasyon sa Pilipinas para maipamahagi ang pondo.

May iba naman na sa halip na maghanda sa sariling kaarawan ay mas piniling mangalap ng pondo para makatulong.

Nariyan din ang ibat ibang samahan sa Australia na nagsisimula na rin kumalap ng pondo.

Sa Cairns may batang piniling buksan ang alkansya para sana maka-ipon para makapasyal sa Hong Kong Disneyland, pero mas kailangan umano ng mga bata doon ang kanyang munting naipon.

Sa Pilipinas nagsama sama din ang mga artista para makalikom ng pondo, may iba naman nagbenta ng kanilang mamahaling sasakyan para makatulong.

Sa kabila nito babala ng mga otoridad, tiyakin na kilala at mapapagkatiwalaan ang taong nag oorganisa ng mga donation campaign lalo at uso ngayon ang internet scam.

Madami nang pinagdaanang kalamidad ang Pilipinas, mula sa mga pagsubok na ito, lumalabas naman ang pagiging tatak Pinoy, nagtutulungan kahit pare parehong biktima at nahihirapan.

Aangat at babangon muli para magsimula ng panibagong buhay.

          


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
Bayanihan lumalabas sa oras ng kalamidad | SBS Filipino