Highlights
- Hindi pa nagsisimula ang opisyal na bilangan ng mga boto sa pagka-pangulo at pagka-pangalawang pangulo na gagawin ng Senado at Kamara bilang National Board of Canvassers.
- Nagpahiwatig si Vice President Leni Robredo na baka may iregularidad sa proseso ng eleksyon
- Naiproklama na ang ilang nagtagumapy na lokal na kandidato tulad nina Mayor Abby Binay ng Makati, Mayor Vico Sotto ng Pasig, Martin Romualdez bilang kinatawan ng unang distrito ng Leyte at Alfred Romualdez bilang Mayor ng Tacloban
Batay sa datos ng partial unofficial count ng resulta ng botohan, ang mangunguna sa bansa ay mga anak o ang ikalawang henerasyon ng mga tanyag na political families sa bansa



