Highlights
- Ina, inspirasyon ang anak sa pagtatayo ng hair bow business
- Ang kakulangan sa mga hair bow at head band sa merkado and nagtulak sa inang si Janelle na pasukin ang negosyo
- Kasosyo ni Janelle sa negosyo ang kaibigan sa Pilipinas na siyang gumagawa ng mga hand-made hair bows
Sa kabila ng mga hamon ng pagiging ina, nakapagpasimula si Janelle Guarin ng isang hair bow business noong nakaraang taon sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
“I’ve realised so much things last year. Who would’ve thought we would experience a pandemic. No one knows what will happen in the future so it’s good to have something else on the side that have the potential to help you and your family earn a little bit more.”
Ayon sa kanya, naging inspirasyon niya ang kanyang anak na babae upang maitayo ang maliit na negosyo.
“I’ve always wanted to have a baby girl. Just the thought of being able to dress her up nicely wearing matching clothes and getting her to wear nice clips and hair bows made me so excited.”



