Pagiging Vegetarian: Pagdaig sa mga hamon at pagtamasa ng mga benepisyo

Vegetarian

Divine Samson prepares her vegetarian dishes Source: Supplied

Ang paglayo mula sa iyong karaniwang pagkain na binubuo ng karne - baboy, manok at baka - ay maaaring isa sa mga pinakamahirap na hamon kung gusto mo talagang magsimulang maging isang vegetarian.


Subalit bilang isang vegetarian ibinahagi ni Divine Samson na sa una'y tunay na isang on-and-off ang kanyang naging relasyon sa mga gulay at prutas sa loob ng ilang taon na pagsubok na lumipat mula sa kanyang karaniwang pagkain ng mabibigat na carbohydrates at karne.

Mula noong nagsisikap na maging isang vegetarian noong 2012, inabot ng limang taon upang lubos na maiwasan ni Ms Samson ang pagkain ng karne at naging ganap na vegetarian nang mahigit isang taon na ang nakararaan.

""It was not easy at first but knowing and focusing on the core reason why I really wanted to become a vegetarian truly helped me, and for me and my husband, it is to become healthy as we try to have our own family," ang paglahad ni Ms Samson habang ibinahagi niya ang kanyang karaniwang inihahandang mga pagkaing vegetarian pagkain at mga tip upang maging isang ganap na vegetarian.

(Hindi madali noong una ngunit kung alam mo at nakatuon ka sa pangunahing dahilan kung bakit talagang nais mong maging vegetarian ay tunay na nakatulong sa akin, at para sa akin at sa aking asawa, ito ay maging malusog habang sinisikap naming magkaroon ng sarili naming pamilya.)
Vegetarian
Quinoa, Barley & grains are the usual dishes for carbohydrates and amino acid that Divine Samson prepares (Supplied) Source: Supplied

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand