Ayon sa Filipino-Australian community leader sa Young, New South Wales na si Josefina de Guzman Johnson, dumarami na ang oportunidad ng trabaho sa kanilang lugar at dahil sa mas murang lifestyle, mas madaling makakuha ng bahay sa regional Australia.
Key Points
- Taong 1983 unang nakarating sa Hilltops region si ang Presidente at founder ng YMDA na si Josefina de Guzman Johnson at sa tulong ng kanyang Australyanong asawa ay nakipag-ugnay ito sa Filipino community sa Canberra.
- Maliban sa farming maraming trabaho din ang inaalok ng rehiyon para sa mga bagong migrants tulad ng welding, at trabaho sa health sector.
- Sa darating na ika-23 ng Marso 2024 ang Young and District Multicultural Association Inc ay magsasagawa ng Gala Dinner.




Share




