Key Points
- Ipinapakita ng bagong ulat sa Housing Affordability ng Domain na ang Sydney ang pinakamahal na lungsod batay sa laki ng lote - nagkakahalaga ng average na $2400 bawat metro kuwadrado.
- Marami ang bumibili ng unit sa gitna ng krisis sa pagtaas ng nga bilihin. Mas marami ang bumili ng unit kaysa sa lupa't bahay sa quarter ng Disyembre sa Sydney, Brisbane, Adelaide at Darwin.
- Ang mga presyo ng unit sa Melbourne ay nasa pinakamabilis na taunang pagbaba sa kasaysayan ng lungsod. Sa Canberra, pinakabumulusok ang presyo mula 1997.
Malaki ang papel ng pagtaas ng interest rate sa pagiging abot-kaya ng mga pabahay bukod pa sa pagtaas ng presyo ng gas at kuryente.
Sa ngayon na hindi pa sinisimulan ng gobyerno ang pagbibigay ng tulong para sa bayarin sa kuryente, na magiging epektibo sa kalagitnaan ng taon, kailangang bawasan ng mga Australians ang paggastos sa ibang bagay kung gusto nilang bumili ng bahay.