Watch FIFA World Cup 2026™

LIVE, FREE and EXCLUSIVE

Blues by the Bay

Miguel Valdivia, Donald Rey, Rolly Radam

Miguel Valdivia, Donald Rey, Rolly Radam Source: SBS Filipino

Nakapagsulat na ng mahigit 50 Original Pilipino Music, handa na si Miguel na dalhin ang OPM sa kakaibang antas. Sa pakikipagtulungan kasama ang mga napapanahong artistang Pinoy, opisyal na ilulunsad ang 'Miguel and Friends sakay ng isang barko.


Ang Miguel and Friends ay isang kolaborasyon ng mga Pilipinong musikero na naka-base sa Melbourne. Kumakanta ng mga orihinal na komposisyon sa parehong Ingles at Pilipino, ito ay isang progresibong proyekto kung saan ang mga miyembro ay halos mga 'sessionista' sa musika ng Melbourne.

Sa acoustic guitar ay ang singer at manunulat ng kanta na si Miguel Valdivia, Sa base guitar at gumagawa ng karagdagang areglo ng mga kanta ay si Rolly radam, habang sa electric rhythm guitar at vocals ay si Donald Rey. Si Caloy Calpito naman ay siyang lead guitarist at si Christian "Tito" Uson sa drums at percussion.

Ang grupo ay kasalukuyang naghahanda para sa parating na launching sa 6 Oktubre sa pamamagitan ng isang paglalayag na tinawag na "Blues by the Bay". Magtatampok din ng iba pang mga Pilipinong musikero na naka-base sa Melbourne ang kaganapan.

Magiging pambihira ang palabas dahil ito ay magaganap sa loob ng isang barko habang naglalayag sa kadagatan.

Hinihikayat naman ng grupo ang komunidad Pilipino sa Asutralya na suportahan ang mga lokal na artista upang mas lalo pang maging matibay ang pamana ng OPM.

 


Share

Follow SBS Filipino

Download our apps

Listen to our podcasts

Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS

SBS News in Filipino

Watch it onDemand

Watch now