Ipinaliwanag ni Dr Siegfried Perez kung bakit mahalagang ipagpatuloy ang mga regular na konsultasyon sa ating mga GP partikular kung kayo ay mayroon chronic disease tulad ng asthma, diabetes at hypertension
- Lahat ng GP consultation ay isinasagawa sa pamamagitan ng telehealth at ito'y bulk-billed
- Matapos ang paunang konsultasyon magdedesisyon ang GP kung kinakailangan makita kayo ng personal para sa karagdagang konsultasyon
- Mas maalagaan ang kalusugan at maiiwasan ang komplikasyon kung patuloy ang pagmonitor ng inyong doktor
'Habang bumababa pangkalahatan ang bilang ng mga nagpupunta sa ER, tumaas naman ang mga napupunta sa ER dahil sa mga aksidente sa bahay mula DIY, ' ani Dr Siegfried Perez