Ibinalita ni Philippine Tourism Attaché para Australia at New Zealand Norjamin delos Reyes ang pagbubukas ng isla at hinikayat ang mga Pilipino-Australyano na muling bisitahin ang isla at iba pang bahagi ng Pilipinas.
Gayunpaman, sinabi ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Sherwin Rigor, sa isang panayam sa telebisyon, na tanging 19,000 turista lamang ang papayagan sa isla sa anumang araw, at may limit din sa bilang ng mga trabahahor doon, 15,000 kada araw.

Tourism Attaché Norjamin Delos Reyes (2nd from right) with few of Philippine Dept of Tourism's staff and Philippine Airlines employee (SBS Filipino) Source: SBS Filipino
Dagdag niya na kalahati lamang ng 12,000 umiiral na hotel room sa isla ang pahihintulutan na buksan araw-araw, upang tiyakin na ang bilang ng mga bisita sa maliit na isla (10-sq-km) ay nasa ibaba ng kayang dalhin o "carrying capacity" ng isla na 55,000.
Pagbabawalan din ng mga awtoridad ang mga kasiyahan o party o sa harapan ng tabing-dagat, at ang mga aktibidad tulad ng pagkain, paninigarilyo at pag-inom doon, dagdag ni Rigor.
Ang Boracay ay nagbibigay sa Pilipinas ng higit sa isang bilyong dolyar sa kita ng turismo bawat taon bago ang pagsara nito noong ika-26 ng Abril.

Boracay reopens. There will be a limit in the number of people setting foot in the island (SBS Filipino/AViolata) Source: SBS Filipino/AViolata