Matapos bisitahin si Governor-General David Hurley, opisyal na ipinatawag ni Punong Ministro Scott Morrison ang petsa para sa pederal na halalan sa ika-21 ng Mayo.
Anim na linggong kampanya para sa mga partido at anim na linggo para magdesisyon ang mga botante ng bubuo ng susunod na gobyerno.
Pakinggan ang audio:
Highlights
- Mahigit 17 milyong Australyano ang nakaenrol para bumoto ngayong pederal na halalan.
- May 151 na pwesto sa Mababang Kapulungan ng Parliamento at dapat makuha ang mahigit kalahati ng bilang nito upang manalo at mamuno sa susunod na gobyerno.
- Sa kasalukuyan, 60 ang hawak na pwesto ng Liberal, 16 sa Nationals at 68 ang Labor.




