Dahil sa mahigit 600,000 international students na nag-aaral sa Australya, layunin ng CISA na mapag-usapan ang mga patuloy na isyu na nakaapekto sa mga mag-aaral, basagin o tapusin ang mga hadlang upang ang lahat ng komunidad ay makipag-ugnayan at magtulungan na maging bahagi ng mga solusyon.
Ibinahagi ng pambansang pangulo ng CISA Mustika Indah (Nina) Khairina ang tungkol sa mga paghahanda at ang kahalagahan ng pagpupulong na magaganap sa ika-lima hanggang ika-walo ng Hulyo.