Magandang kinabukasan para sa mga Filipino animator ang hinuhulaan ng Animation Council of the Philippines (ACPI) sa pamamagitan ng kanilang Executive Director Rose Gonzales, habang ipinagdiriwang ang International Animation Day ngayong ika-28 ng Oktubre. Larawan: Character designer at assistant director ng The Simpsons, Ricky Manginsay (Spookyares / YouTube)
Tatlumpung taon na ang nakalipas, nagsimula ang industriya ng animasyon para sa mga Pilipino bilang mga outsource animation studios na kino-kontrata ng mga internasyonal na studios tulad ng Burbank Animation at ang kanilang mga gawa ay lumaki hanggang sa mga tanyag na tulad ng The Little Mermaid, Tom and Jerry, and Finding Nemo.
Ngayon, nilalayon ng ACPI na makagaw ng orihinal na animasyong Pilipino na magpapakita ng kanilang mga kwento na inaasam na makasama sa pandaigdigang hanay.
Share




