Isang mag-aaral ng PhD in Engineering sa University of Technology Sydney, lubos na itinataguyod ni Yami Bautista ang paghikayat sa mga Pilipino, partikular sa mga kababaihan, na kumuha ng mga kurso sa STEM at pumasok sa mga propesyon na kaugnay nito.
Ibinahagi niya kung paano matagumpay na makakatapos sa mga kursong ito at ang layunin niya na makapagbigay-inspirasyon sa mga kababaihan na kumuha ng mga kursong ito sa pamamagitan ng kanyang binuo na Filipina Women in STEM.