Para sa karamihan sa mga naghahanap ng trabaho, ang pagpapasya kung ano ang isusuot para sa isang panayam ay kadalasa'y isang isipin na hindi madali. Ngunit "ang siguraduhin na ikaw ay mukhang kagalang-galang" ay isang mahalagang bagay na dapat tandaan sa paghahanap ng tamang kasuotan para sa isang interbyu sa trabaho.
Ibinahagi ng visionary, life coach at inspirational speaker na si Fideliz Cruz na "ang iyong isusuot ay depende din sa kung anong industriya ka nabibilang" at ang pinakamahalagang bagay ay "mayroon kang kumpiyansa at tamang saloobin" kapag humaharap sa isang pakikipanayam.

Share




