Ang pinaka-malaking grupo na nag-lolobi para sa negosyo ay naglabas ng babala sa pampederal na pamahalaan at hinikayat ito na bantayang mabuti ang paghanda ng badyet sa Mayo. Larawan: Ang tnatawag na 'big four' banks ng Australya (AAP)
Sinabi ng Business Council of Australia ang paggastos ng pamahalaan ay mabilis na lumalaki kaysa sa nakakayanan ng bansa -- at kung hindi nito mapipigil, ito ay mangangahulugang magtaas ng malaking buwis o malaking pagbawas sa mga serbisyo sa hinaharap.
Subalit, ang Labor ay binalikan ang Business Council, at sinabing ito ay salungat sa panawagan na bawasan ang paggastos habang itinutulak din ang malalaking tax break para sa mga malalaking negosyo.
Share



