Ipinagdiriwang ng mga Pilipino sa iba't ibang bahagi ng Australia ang Buwan ng Wikang ngayong Agosto sa pamamagitan ng mga gawaing pangkultura at pampamayanan na nagpapahalaga sa wikang Filipino, kultura, at pagkakakilanlan.
Key Points
- Sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," binibigyang-diin ngayong 2026 ang responsableng paggamit ng artificial intelligence (AI) bilang katuwang ng wikang Filipino sa pananaliksik at pagpapalawak ng kaalaman.
- Nakiki-isa ang komunidad Pilipino sa iba't ibang panig ng Australia sa pagdiriwang ng Pilipinas ng Buwan ng Wika ngayong Agosto.
- Ang mga pagdiriwang ay nagpapatibay sa pagkakaisa ng mga Pilipino at nagpapakilala ng mayamang kulturang Pilipino sa mas malawak na komunidad sa Australia.
Nakasentro ang mga pagdiriwang sa temang inilabas ng Komisyang ng Wikang Pilipino na "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," binibigyang-diin ang responsableng paggamit ng AI bilang katuwang ng wikang Filipino sa pag-aaral at pagbabahagi ng kaalaman.
Ilan sa mga kaganapan ang:
Queensland
- Takbo para sa Wika (Agosto 1, 2026) na ginanap sa Brisbane and the Gold Coast, Queensland. Hinihikayat ang lahat na maging aktibo at ipagpatuloy ang pagsasalita ng iba't ibang wika mula sa Pilipinas.
- Buwan ng Wika Celebration (Agosto 22, 2026) Magaganap sa Impact Church sa Slacks Creek sa pangunguna ng Philippine Consulate in Queensland, sa ilalim ng temang, "Mula Pilipinas Hanggang Australia: Wikang Filipino, Pamana ng Lahi, Tulay ng Pagkakaisa".
Victoria
- Buwan ng Wika & Cultural Program (Agosto 29, 2026).Gaganapin sa Philippine House sa Footscray at sa pangunguna ng Philippine Australian Foundation Vic, Inc. (PAFI) at ng Philippine Language School of Victoria.
- Mindanao Cultural Festival / Kadayawan Event (Agosto 29, 2026 | 10:00 AM – 10:00 PM)Isasagawa sa Philippine Community Centre sa Laverton.Ipinagdiriwang ang pamana mula sa rehiyon kasabay ng Buwan ng Wika.
📢 Where to Catch SBS Filipino
🔊 On Air – Tune in to SBS Filipino on radio stations across Australia and website live stream, and TV Channel 302 from 10 AM to 11 AM AEST daily.
📲 Catch up episodes and stories – Visit sbs.com.au/filipino or stream on Spotify, Apple Podcasts, Youtube Podcasts, and SBS Audio app.
📣 Follow Us on Social Media – Stay updated by following us on Facebook and Instagram.





