Lider ng komunidad Pilipino sa Australya tinalakay ibat-ibang isyung hinaharap ng Filipino diapsora

FILLCA Conference Marlene BA Tucker.jpg

Nagtipon ang mga lider ng komunidad Pilipino sa Australya sa tanggapan ng Embahada ng Pilipinas sa Canberra kasama si Philippine Ambassador to Australia Ma Hellen De La Vega bago ang simula ng Filipino Communities Council of Australia Inc. (FILLCA) Conference. Credit: photo supplied by Marlene BA Tucker

Matagumpay na dinaos ang Filipino Communities Council of Australia (FILCCA) 16th national conference sa Canberra noong nakaraang ika-14 ng Oktubre. Dumayo mula sa iba’t-ibang parte ng Australia ang Filipino community leaders sa ACT para pag-usapan ang mga issues ng Philippine diaspora.


Key Points
  • Huling nagtipon ang mga lider ng komunidad Pilipino noong 2018.
  • Dumalo ang mga lider mula mula New South Wales, Victoria, South Australia, Queensland at Western Australya.
  • Nagtapos ang pagtitipon sa isang gala dinner at awards presentation.
Ayon kay Philippine Ambassador to Australia Ma Hellen De La Vega, importante na magsama-sama ang mga Filipino community leaders sa bansa para tulungan ang isa’t-isa na maiangat ang profile ng mga Filipinos sa Australya at i-uplift ang adbokasiya ng bawat isa.

Ilan sa mga nag-present sa conference ay sina South Australia Philippine Honorary Consul Carmen Garcia na tinalakay ang mga economic opportunities sa Pilipinas at si Ambassador Minda Calaguian-Cruz na nagbigay ng kanyang insight tungkol sa volunteerism at humanitarian service in development.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand