Si Cavestany ay nasa Pilipinas sa unang bahagi ng taong ito, nagsagawa ng mga pagtuturo at pagsasanay sa may mahigit 650 mag-aaral sa buong bansa. Layunin niya na ipagpatuloy ang pagtuturo ng mga pangunahing kaalaman ng pag-arte sa mga Pilipinong nagnanais na maging artista, dahil ayon sa kanya, sa kabila ng pagbabago sa teknolohiya mananatili ang natatanging simpleng anyo ng pag-arte.
Ang Pamamaraan ni Cavestany sa Pagtuturo ng Sining
Mars Cavestany (left) with renowned Filipino film director Joel Lamangan Source: Roger Rivera Esturninos
"Anumang uri ng makabagong teknolohiya ay hindi makakayang baguhin ang simple at dalisay na uri ng pag-arte," ayon ito sa aktor -direktor, manunulat at tagapagturo na si Mars Cavestany. Larawan: Ang aktor-direktor-educator Mars Cavestany (kaliwa) kasama ang tanyag na Pilipino film director Joel Lamangan (Roger Rivera Esturninos)
Share