Ipapanukala ng DILG Secretary Benhur Abalos na magsilbing pilot area ang Cebu City para mapag-aralan kung papayagan na ng IATF ang hindi obligadong pagsuot ng face mask sa open areas at outdoors.
- Nilinaw naman ni Cebu City Mayor Michael Rama na wala siyang sinasabing hindi na dapat magsuot ng face mask.
- Tuloy pa rin naman umano ang pagsusuot ng face mask sa mga lugar na mataas ang banta ng COVID-19 tulad ng mga health facility o mga ospital.
- Isasara ng dalawa hanggang tatlong taon sa publiko ang gusali ng Cultural Center of the Philippines o CCP para sa repair at renovation.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC at Office of Civil Defense, naka handa na ang lahat para sa mga apektadong lugar ng Bagyong Henry partikular sa Cagayan at Batanes