Alkalde ng Cebu at asawang konsehal ginawaran ng Asian Popularity Award ng Seoul, South Korea; Mahigit 7000 kwalipikadong indibidwal nabigyan ng libreng scholarship grants ng Technical Education and Skills Development Authority (ESDA); Ipinagbabawal ang pagsusuot ng full-faced helmets, tinted helmets, face masks at bonnets ng mga naka motorsiklo sa Mandaue, Cebu; Nanawagan ang mga awtoridad sa Syudad ng Talisay na magsagawa ng ordinansa o batas na nag-uutos ng speed limit sa lahat ng mga sasakyan sa South Coastal Rd; Hindi bababa sa 60 bahay sa Cebu ang inisyuhan ng citation tickets sa hindi paghihiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di-nabubulok; At sa palakasan, nagbigay ng donasyon ang Australian Embassy ng iba't ibang kagamitan o sports equipment sa Philippine Accessible Disability Services o PADS, Inc.
Alkalde ng Cebu, Konsehal na asawa pinarangalan ng Seoul, South Korea

Source: Nick Melgar
Balitang Bisayas: buod ng mga pinaka-huling mahahalagang balita sa rehiyon hatid ni Nick Melgar Larawan: Punong himpilan ng siyudad ng Cebu (Nick Melgar)
Share



