Dahilan ng pagkansela ng Melbourne-Manila flights, binigyang linaw ng Cebu Pacific

OFW ,Philippines, Coronavirus

A Cebu Pacific aircraft on the tarmac at Sydney International Airport Source: Getty / Brook Mitchell/Getty Images

Naantalang pagdating ng mga eroplanong gagamitin ng airlines, sanhi ng malawakang kanselasyon ng byahe sa Melbourne


Sa nakasulat na pahayag ng Cebu Pacific Air na ipinadala sa SBS Filipino nitong ika 10 ng Oktubre, unang humingi ng dispensa ang pamunuan sa mga apektadong byahero.

Anila, sa kabila ng kagustuhan nilang maituloy ang serbisyo, hindi ito natupad dahil sa pagka antala ng delivery ng kanilang aircraft.

Dismayado din umano ang pamunuan dahil ito sana ang simula ng pagbabalik ng tatlong beses sa isang linggong byahe na maghahatid sa mga pasahero ngayong kapaskuhan o holidays.

Despite our earnest efforts, we had to push back the resumption of the service due to a delay in the delivery of our aircraft.
Cebu Pacific Air

We also share the disappointment of our customers with this development since we were excited to resume the thrice-weekly service leading to the holidays, and this sets back our intended international ramp-up.
 

Setyembre pa lang nang kontakin ng Cebu Pacific ang mga apektadong pasahero sa Victoria para umano ma-adjust o mabago ang kanilang travel plans at mapag aralan ang ibang options.

Isa dito ang pag hingi ng refund o pagconvert ng halaga ng flight sa travel fund sa pamamagitan ng kanilang website.

Sa mga direktang nagbook gamit ang website ng Cebu Pacific na nagnais na makakuha ng refund, aabutin ito ng hanggang dalawang buwan sa magiging proseso sa bangko.

Sa mga nagbook naman sa tulong ng mga travel agent o ibang booking platform, payo ng airlines na direktang makipag ugnayan sa mga ito.

Nangako din ang airlines na ipoproseso ang pagbabalik ng mga bayad sa lalong madaling panahon.

Sa mga pumili naman ng travel fund, pwedeng ipunin ang halaga sa kanilang virtual wallet.

Valid ito ng anim na buwan at maaring gamitin sa pag book ng panibagong flight na hanggang sunod na taon o one year in advance.

Maari din pumili ng ibang route o ruta sa destinasyon kung may bakante pa.

Dapat piliin ang Rebook o Reroute Flight sa kanilang website kung nais magpalipat ng byahe sa Sydney.

Pero Hindi naman sagot ng airlines ang pagbyahe ng mga pasahero patungo sa alternate airport.

Passengers may opt for a provided alternate route to their destination, based on seat availability. Travel to and from alternate airport is on passenger’s account.
Hindi naman ibinigay ng airlines ang detalye kung ilan ang bilang ng apektadong byahero.

Sa kabila nito, ilan pa rin sa mga pasahero ang nagpasya na magsampa ng reklamo sa Consumer Affairs ng Victoria at iba pang ahensya para mapanagot ang airlines.


Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand