Sa iba pang balita sa Kabisayaan, nagsimula ng tanggalin ng mga tauhan ng Visayas Electric Company o VECO ang mga campaign posters na idinikit o ikinabit sa kanilang mga post ng kuryente; Pinag-aaralan ng ang pag-deklara ng “state of calamity” sa mga bulubunduking barangay na dumaranas ng matinding epekto ng El Nino; Hangad ng Cebu sa lahat nga mga may-ari ng mga hotel at bar na nag-ooperate sa Syudad ng Cebu upang isulong ang “drug free” na pinagtatrabahuan; at Inaasahang mas maganda at bongga ang pagdiriwang ng ika-apatnapong “Kadaugan sa Mactan” sa taong ito kahit pa man ay binawasan ang kanilang budget mula sa walong milyong piso noong nakaraang taon tungo sa anim punto anim na milyong piso sa taong ito.
Kapulisan ng Cebu naka-red alert sa Semana Santa

Source: Nick Melgar
Naka-red alert status na ang mga kapulisan para sa paggunita ng Semana Santa sa susunod na linggo mula ika-14 hanggang ika-20 ng Abril para mapaigting ang seguridad at madali silang makaresponde sa oras ng pangangailangan.
Share

