Inalala ng artist-performer na si Rizcel Gagawanan ang di-mailalarawan na damdamin niya tuwing siya'y umuuwi para bumisita sa kanyang pamilya at mga kamag-anak sa Pilipinas.
Ang pakiramdam ng Pilipino na Paskong-pasko na ay hindi maihahalintulad sa kung paano ipinagdiriwang ng mga Aussie ang espesyal na araw na ito.
Habang binalikan ng batang performer - na lumipat sa Brisbane kasama ng kanyang pamilya sa gulang na isa - ang kanyang mga natatanging bakasyon kapag Pasko sa tinubuang bansa ng kanyang mga magulang, ibinabahagi rin niya ang kanyang pagkahilig sa pag-arte at kanyang mga darating na proyekto.