Isang malikhaing sesyon online ang magtatampok sa natatanging pagbabahagian ng kultura at sining sa pagitan ng mga Pilipino at Australyano.
Pangungunahan ng artist at fashion designer na si Francis Sollano ang pagbibigay-isnpirasyon sa kaganapan online nitong ika-18 ng Mayo, ika-lima ng hapon sa pangangasiwa ng Emhabada ng Pilipinas sa Canberra.
Itatampok din sa FIl-Aussie Day 2020 ang kahalagahan ng pagpapanatili ng pakikipag-ugnayan sa ating kapwa sa panahon na ito kung saan halos lahat ay nasa isolasyon sanhi ng COVID-19 pandemic.
Ang Philippine-Australia Friendship Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-22 ng Mayo taon-taon simula nang ideklara ito noong Mayo 22, 2016 sa ilalim ng Philippine Presidential Proclamation No 1282, Series 2016.