Key Points
- Ayon sa isang ulat mas mababa ang kalidad ng pamumuhay ng mga First Nations at ilang mga grupo sa komunidad sa Australia.
- Lumabas ang report matapos isinailalim sa survey ang higit 25,000 Australians mula sa iba't ibang mga antas ng lipunan at cultural backgrounds upang maunawaan ang karanasan ng pamumuhay sa iba't ibang komunidad sa buong bansa.
- Naniniwala si Dr Lucy Gunn, isang Senior Research Fellow sa Healthy Liveable Cities Lab sa Centre for Urban Research (CUR) sa Royal Melbourne Institute of Technology sa Melbourne, bagamat maganda ang kalagayan ng mga siyudad sa Australia, kinakailangan pa ng mas maraming hakbang sa lahat ng bahagi ng bansa, lalo na sa mga rural o malalayong lugar.