Apat sa limang kababaihan na nagkaroon ng cervical cancer ay hindi sumailalim sa screening test. Ang mga kababaihan mula Mount Druitt ay may pangalawang pinakamababang bilang ng mga nagpapasuri para sa cervical cancer sa Australia (at ang pinakamababang antas ng cervical screening sa NSW) ayon sa mga ulat. At 1 sa 10 kababaihan sa Mount Druitt ay Pilipina.
Sa isang pagsisikap na hikayatin ang mga kababaihan na magpasuri, ang isang libreng pagbibigay kamalayan ukol sa cervical screening ang isinasagawa nitong mga nakaraang ilang buwan.
Sa unang araw ng Disyembre, ang Philippine Australian Community Services Inc. (PACSI) at ang Western Sydney Local Health District (WSLHD) ay magsasagawa ng isang libreng sesyon ng pagbibigay aral tungkol sa cervical screening para sa mga kababaihang Pilipino na naninirahan sa at sa paligid ng Mount Druitt.
Ang mga detalye mula kina Nelia Sumcad ng PACSI at Nina Hartcher mula sa WSLHD.