Sa kasagsagan ng bugso ng Omicron Variant, maraming staff ang nagkakasakit pero hndi pwedeng lumiban sa trabaho dahil walang papalit sa mga ito at maraming bata ang dapat alagaan.
Ito ang naranasan ni Jane, hindi niya tunay na pangalan, sa isang childcare centre kung saan siya nagbitiw dahil hindi na niya maatim ang mga isyu at problema na pinalala ng pandemya.
Pakinggan ang audio:
Highlights
- Sa buong Australia, isa sa sampung childcare centre ang kinakailangan ng waiver mula sa gobyerno upang magpatakbo ng operasyon dahil kakulangan ng manggagawa.
- Ayon sa tala ng Queensland Department of Education, may mahigit 112 childcare centres ang nagsara dahil sa pagsipa ng bilang ng COVID-19 noong Disyembre at Enero.
- Dismayado ang Australian Childcare Alliance Queensland sa kawalan ng suporta ng gobyerno at nanawagan ito ng pangmatagalang solusyon.