Pinahina ng premyer ng Tsina Li Keqiang ang kanyang tinatawag na pagtatatayo ng militar ng kanyang bansa sa South China Sea. Larawan: Le Keqiang at Malcolm Turnbull sa isang seremonya ng pagpirma sa isang kasunduan (AAP)
Lumabas ang kanyang mga komento matapos ang isang pagpupulong kasama ang Punung Ministro Malcolm Turnbull sa Canberra noong nakaraang linggo.
Limang araw na bumisita sa Australia si Ginoong Li, at naka-pokus sa pagpapatatag ng ugnayang pang-ekonomiko kasama ang Australya, at kasama din sa pinag-usapan ang pandagat na hindi pagkakaunawaan.
Sinabi ng premyer, pinag-iingat ng Tsina ang Australia na huwag kumampi sa kahit na sinong panig kaugnay ng pangrehiyonal na alitan.
Share



