Mula ng siya ay dumating sa Australya, naging aktibo na siya sa pagbibigay-serbisyo sa komunidad Pilipino-Australyano (particular sa mga matatanda, kababaihan at migrante).
Marami ang sasang-ayon na labis ang pagpapahalaga ni Cholly sa kanyang prinsipyo sa pagiging isang pinuno at paghawak ng mga responsibilidad.
Ngunit sa panayam na ito, ipinakita ni Cholly ang naiiba niyang katangian, ang malambot niyang katangian, nang ibinahagi niya ang tagumpay ng kanyang ina. Sa isipan ni Cholly, ito ang isa sa pinakamaaalala niyang bahagi ng kanyang pagiging isang boluntaryo.
Ito ang kwento ng isang matagumpay na Pilipina sa South Australia na isa ring "cancer survivor" at ipinakita sa atin ang tunay na kahulugan ng muling pagbangon at kabutihan.



