Highlights
- Sa panibagong pananaliksik ang Chronic Fatigue ay isang sakit na nakakaapekto sa mahigit dalawang daang libong Australyano.
- Pitumput limang porsyento ng may MECFS ay mga kababaihan.
- Dalawamput limang porsyento ng mga malubhang naapektohan ng kondisyon ay nakaratay na lamang sa kama at hindi na makaalis ng bahay. Makinig sa audio
Ang M-E o karaniwang kilala bilang Chronic Fatigue Sydnrome (CFS) ay isang complicated disorder kung saan nakakaranas ng matinding fatigue ang isang tao na maaring magtagal ng halos anim na buwan at hindi ito maipapaliwanag ng kahit anumang nakatagong medikal na kondisyon.
Ang fatigue ay lumalala kung may mga pisikal o mental na aktibidad, at hindi din nakatulong ang pagappahinga.
Ang simpleng pagbangon, paglalakad o pagsagot ng telepono ay nanatiling hamon kay Maddie Shields matapos itong ma-diagnose ng Myalgic Encephalomyelitis.