Ang welga patunkol sa klima, tulad ng nagaganap sa Australia, "is one way of letting policymakers know what are the thoughts and priorities of the different sectors of the society are - including the youth" anang Australia Awards scholar Likha Malai Alcantara, na kamakailan lamang ay nagtapos mula sa Crawford School of Public Policy ng Australian National University sa kurso sa Environmental Management and Development.
Ngunit sino ang dapat manindigan para sa kapaligiran? Ibinahagi ni Likha Alcantara na napagtanto niya na kakaunti lamang ang mga sektor ng ating lipunan na tunay na naninindigan para sa kapaligiran ngunit habang nag-aaral sa Crawford School at nakakuha ng mas malalim na pag-unawa sa koneksyon sa pagitan ng kapaligiran at mga pampublikong patakaran, ang mga gobyerno ay maaaring manguna sa pagtatanggol para sa kapaligiran.
"Walang masyadong nagsasalita para sa environment kasi s'yempre kanya-kanyang interes din 'yan ng pag-develop. Ang maganda is maipasok ang environment sa decision-making process at maisama ito kung saan ang environment ay may laban din siya sa ibang (kinds of) development, gaya ng economic development. Dapat magkaroon ng sustainable development kung saan ka economically mag-go-grow but at the same time mapo-protektahan mo 'yung environment," paliwanag ni Alcantara.

On a personal travel to the Tasman Peninsula, Likha has seen the respect of people in the area for the environment & their desire to remain connected to nature Source: Supplied
Si Alcantara, na nagtrabaho para sa undersecretary para sa mga pandaigdigdang kasunduan sa kapaligiran sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ay ginawaran ng AusAward scholarship para sa kanyang pagnanais na makatulong na humanap ng nagkakaisang boses sa mga pandaigdigang kasunduan sa kapaligiran para sa Pilipinas.
"Natutunan ko sa Crawford ay maging sensitive ka sa kung ano ang ginagawa ng isa (isang sektor), anong epekto nito sa ibang sektor, at ang role ng public policy ay babalansehin niya kung saan lahat makaka-benefit ang lahat sa mga policy na ire-release,"

We all, and not just the government, have the responsibility to care for the environment for our future generations Source: Likha Alcantara Facebook
Ngayon nakabalik na sa kanyang trabaho sa Pilipinas, si Likha Alcantara, gamit ang mga natutunan mula sa pag-aaral sa Australia, ay nakatakda nang gumawa ng kaibhan sa pagtulong sa Pilipinas na ipatupad ang mga pandaigdigang patnubay sa kapaligiran, ngunit binigyang-puntos na lahat tayo at hindi lamang ang gobyerno ay may responsibilidad sa pagprotekta sa kapaligiran. Nanawagan siya para sa lahat na makipagtulungan sa pamahalaan at magtiwala sa proseso na ang lahat ay pinaglilingkuran.