Pumalo na sa 14 ang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 na nakasalamuha ng Pinoy na unang kaso ng UK variant ng coronavirus sa bansa.
Ayon sa Department of Health, ang ika-14 na COVID-positive ay unang nag-negatibo sa RT-PCR Test pagdating ng Pilipinas mula United Arab Emirates at nagpositibo lamang ito nang isailalim sa re-swabbing.
Highlight ng mga balita mula Pilipinas
- Malacanang, binati ang bagong pangulo ng US na si Joe Biden
- 14 na malapitang nakasalamuha ng unang kaso ng UK-variant sa Philippines nakumpirmang positibo sa COVID-19
- Aplikasyon ng Pilipinas sa Covax facility ng WHO, inaprubahan
- Vaccine Czar Carlito Galvez muling haharap sa Senado kaugnay ng vaccination plan ng gobyerno
- Pagbabakuna sa mga LGU sa Metro Manila, gagawin ng sabay-sabay
- Magnitude 7.1 na lindol, yumanig sa Davao Occidental