Highlights
- Shadow Treasurer Jim Chalmers tinawag na “act of economic vandalism” ang planong ma-access ng mga mas nakakabata ang kanilang superannuation
- Prime Minister, nalagay sa alanganin matapos lumabas ang ulat na iginiit umano ng US sa Australia na dapat suportado ng dalawang partido ang kasunduan bago pirmahan ang AUKUS agreement
- Inanunsyo ng Greens ang kanilang plataporma, kasama ang dental at mental healthsa medicare, alisin ang paggamit ng coal at gas,abot-kayang pabahay, libreng childcare, at pagtanggal sa student debt, at iba pa.
Pakinggan ang audio
LISTEN TO
The Prime Minister is defending his party's plan to unlock super for first home buyers - despite warnings it could drive up house prices further, and hurt retirement savings in the long term.
SBS Filipino
16/05/202206:21
Advertisement
Ang housing o bagong plano sa pabahay ang ginagamit ng partidong Liberal na ticket sa nalalabing ilang araw ng pangangampanya, para maka-akit lalo ng mas maraming mga bagong botante.
Inanunsyo ni Prime Minister Scott Morrison ang bagong plano sa pabahay kapag muling makaupo sa puwesto matapos ang halalan.
Ayon dito, papayagan nila ang first home buyers na makuha ang bahagi ng kanilang superannuation para pang-deposito sa bahay.
Ang mga residente na may ipong 5 porsyento ay maaaring makakuha ng 40 porsyento na retirement savings na aabot hanggang $50,000.
Subalit binatikos ito ng ilang kritiko ng partido dahil posibleng maging sanhi ng biglaang pagtaas ng presyo ng bahay.
Bagay na sinang-ayunan ni Superannuation Minister Jane Hume sa kanyang panayam sa ABC Radio.
" Malinaw na dadagsa ang mga tao para bumili ng kanilang bahay, kaya siguradong tataas ang presyo ng bahay."
At kapag ang nabiling bahay ay ibebenta paglipas ng panahon, isasauli naman ito sa super.
Agad namang sinagot ni Prime Minister Morrison habang nangangampanya sa Brisbane.
Ayon dito, sigurado umanong maganda ang dulot ng bagong plano kasama ng pagbibigay ng insentibo ng mga matatandang Australians na magbebenta ng kanilang bahay sa mga first home buyers.
"Ito ay gagana ng maayos kasabay ng mga matatandang Australians na magbebenta ng kanilang bahay. At may magandang epekto ito. Una, tataas ang retirement savings at magkakaroon din ng karagdagang supply para sa iba."