Isang dula na pupukaw sa inyong pagka-mausisa, bubusugin kayo sa katatawan at mga lihim na ilalantad. Ito ang unang maikling dula na isinulat ng Pilipinong akademiko na si Elaine Laforteza na naka-sentro sa pamilya at kulturang Pilipino, tampok ang mga aktor na sina Martin Sta. Ana, Kim Shazell at Happy Feraren sa direksyon ni Meili Bookluck.
Ang "Coming to Dinner," ay kasama sa isang koleksyon ng walong hiwalay na maikling dula na sinulat at sa direksyon ng mga kababaihan na mula sa iba't ibang kultura na ipinagdiriwang ang mga hamon na kinaharap ng mga kababaihan kaugnay ng pagkakakilanlan at kasarinlan.

Cast of Coming to Dinner: (L-R) Martin Sta. Ana, Kim Shazell and Happy Feraren (SBS Filipino) Source: SBS Filipino
Handog ng Peach Productions bilang bahagi ng Sydney Fringe Festival 2018 nitong Setyembre, tampok ang "Coming to Dinner" sa mga kuwento ng mga Kababaihan sa Australya: Mga Kuwento ng Katapangan ("Women In Australia: Stories Of Courage").

(L-R) Coming to dinner author Elaine Laforteza, actors - Martin Sta. Ana, Happy Feraren, Kim Shazell, and Director Meili Bookluck (SBS Filipino) Source: SBS Filipino
Para sa ibang detalye tungkol sa "Coming to Dinner", bisitahin ang https://www.facebook.com/events/229033267753043/ o magtungo sa Sydney Fringe Festival.