Pinangangambahan ngayon na posibleng mas mataas ang peligro na magkaroon nito ang mga bata at kabataan.
Ayon sa mga eksperto na dahil sa mga lockdown lumalaki ang tsansa na magkaroon ng magkaroon ng Type 2 diabetes ang isang tao, ito'y sa gitna ng patuloy na mga stay-at-home orders at limitasyon sa mga pwedeng gawin.
Highlight
- Madalas na ini-uugnay ang Type 2 Diabetes sa istilo ng pamumuhay at mga nakasanayang pagkain.
- Base sa isang bagong pag-aaral sa Europa, mas sumama ang blood sugar control ng mga tao na may Type 2 diabetes sa panahon ng mga lockdown.
- Sinisisi dito ang hindi malusog na pagkain, mas maraming oras sa panonood sa screen, at limitadong pisikal na gawain, samahan pa ng dagdag na stress at pagkabalisa.