Mula sa simpleng istilo ng pagluluto na tulad sa bahay, ang Pinoy Kitchen sa Doonside, kanlurang Sydney ay umaakit ng ilang mamimili na mula sa iba't ibang lahi na subukin ang tunay na lutuing Pilipino. Larawan: Mag-asawang Ariel (gitna) at Arnie Lopez (kanan) ng Pinoy Kitchen (SBS Filipino/A. Violata)
Ibinahagi ng mag-asawang Ariel at Arnie Lopez na ang kanilang pagkahilig sa pagkain at pagluluto ang nagbigay-inspirasyon sa kanila na itayo ang Pinoy Kitchen wala pang isang taon ang nakakaraan. Umaasa sila na maipakilala ang lutuing Pinoy sa mas maraming tao na mula sa ibang kultura.
Ilang putahe ng Pinoy Kitchen.



Share



