SBS sa Wikang Filipino

Patuloy na tumataas ang gastos ng pamumuhay sa Australia sa kasagsagan ng kampanya

SBS sa Wikang Filipino

PM Scott Morrison hands out lolly bags after Eid prayers, the end of Muslim Ramadan on Day 2 of the 2022 federal election campaign, at Parramatta Park in Sydney

PM Scott Morrison hands out lolly bags after Eid prayers, the end of Muslim Ramadan on Day 2 of the 2022 federal election campaign, at Parramatta Park in Sydney Source: AAP Image/Mick Tsikas


Published 3 May 2022 at 2:14pm
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS

Sa nalalabing higit dalawang linggo ng pag-iikot ng mga politiko sa bansa, kasabay ng drama sa politika nagbabadya ang isyu ng pagtaas ng interest rates ng bansa. Samantala, PM Morrison hinarap ng isang babae na ang mga kaanak ay naipit sa gulo sa Afghanistan.


Published 3 May 2022 at 2:14pm
Presented by Shiela Joy Labrador-Cubero
Source: SBS


Highlights
  • Labor leader Anthony Albanese inanunsyo ang central housing policy.
  • PM Scott Morrison inanusyo ang pinalawig na suporta para sa mga pensioners
  • Pagtaas ng interest rate ng Australia makaka-apekto sa pamumuhay ng mga residente
Pakinggan ang audio

LISTEN TO
Cost of living continues to dominate campaigns  image

The campaign trail has again been overshadowed by the cost of living issues - and the threat of an interest rate rise the Prime Minister is looking to distance himself from. He was not distanced however at an event in Sydney celebrating Eid, where he was confronted by a woman calling on the government to help her family stuck in Afghanistan.

SBS Filipino

03/05/202205:12

Advertisement
Dumalo sa pagdiwang sa pagtatapos ng Ramadan si Prime Minister Scott Morrison sa Parramatta dito sa Sydney.

At habang nangangampanya nilapitan ang punong ministro ng isang Hijara Taufiq, na ayon sa kanya ang kanyang manugang ay naipit sa gulo sa Afghanistan.


 

 

Nawawala din ang buong pamilya ng kanyang kapatid matapos ang pananakop ng Taliban sa Kabul, kaya panawagan nito matulungan sila sa kanilang pamilya na andun pa sa magulong lugar.

Agad namang iniharap ni Prime Minsiter Morrison si Taufiq sa mga lokal na kandidato.

"Hijara: Ang anak ko 9 na taon na nagtrabaho at ngayon... (hindi na maintindihan ang salita) ...

Morrison: Maria matutulungan ka namin. Ililipad namin ang libo-libong resident mula sa Afghanistan 16,500 at gagawin namin ang lahat ng makakaya para matulungan sila."

At nang tanungin si Labor leader Anthony Albanese kung ano ang gagawin sa mga pamilya na may mabigat na suliranin gaya ni Ms Taufiq, sabi nito.

"Isa sa mga bagay na mayroon tayo mula sa gobyernong it ay ang pagkasira ng serbisyo publiko, mas mahaba at tumagal ng pagka-antala mapa-migrasyon o veterans affairs man ito"

Samantala sinuyod ng partido ni Mr Albanese ang Queensland matapos ang pangangampanya sa Perth noong araw ng Linggo.

Ito ang unang pagkakataon na inilunsad ng partido ang kampanya sa Western Australia.

Sa pagkakataon ito, ipinakita ng partido na mahalaga ang WA sa eleksyong ito at inaasahang makukuha nila ang tatlong puwesto mula sa lugar. Ibinida  ni Mr Albanese ang tinatawag nitong central housing policy.

Kung saan magbibigay ng equity contribution sa may mababa ang kita na hanggang 40 porsyento  para sa mga bagong bahay at 30 porysento naman para sa mga luma o matagal ng itinayong bahay.

At nang tinantong kung gagana ba ito kapag tumaas pa ang presyo ng bahay, sabi ni Albanese may pruweba sila na maganda ang batas na ito.

" Ang housing policy namin ay maayos at nasabi namin yan dahil totoong nakakatulong ito. Dito sa Western Australia halus may kaparehas ang batas dito sa loob ng 30 na taon. May bahay na ang mga tao, may kita din ang gobyerno."

Ang batas ng Labor na ito ay binatikos ni Prime Minister Morrison habang inanunsyo nito ang karagdagang  tulong para sa mga pensioners.

"Ang labas ng scheme na ito ay limitado at isa  sa mga dahilan ay gusto ng mga tao na magkaroon ng sariling bahay. Ayaw nila na ang gobyerno ang  magmamay-ari ng kanilang bahay.

Ang malinaw talaga dito gusto ng Labor na may bahagi sila sa iyong tahanan at kaya, habang tumataas ang halaga ng iyong tahanan, kumikita sila sa iyo."

Habang  nanunuyo si Prime Minister Morrison sa mga residente sa Corangamite Victoria, inanunsyo nito ang plano nitong taasan ang income test ng mga pensioners.

Para sa mga walang asawa o single, mula $60,000 hanggang $ 90,000 at $92,000 hanggang $144, 000 naman para sa mga mag-asawa na pensioners.

Bagay na sinang-anyunan ng Labor, at umaasang makakatulong ito para gumaan ang kanilang pamumuhay.

Subalit sa inaasahang pagtaas ng interest rate simula ngayong araw ika-tatlo ng Mayo, posible umanong maapektuhang muli ang pamumuhay ng lahat.

"Ang inaalala ko ay yong binabayarang mortgage ng mga residente, hindi ang kung ano ang ibig sabihin nito sa pulitika."

Sabi naman ni Labor’s treasury spokesman Jim Chalmers, ang interest rate na ito ay dagdag pasanin sa mga botante.

"Kung ang Reserve Bank of Australia ay magpapatupad ng interest rate nitong linggo o sa susunod, talagang masisira ang kredibilidad ng ekonomiya ni Morrison. Ito ay pangatlong krisis na sa cost-of-living sa kanyang gobyerno."

Magiging pabigat ito sa lahat kapag ipatupad ng  Reserve Bank ang pagtaas ng interet rates.

Taong 2007 sa kasagsagan ng eleksyons sa bansa pinakahuling nag-anunsyso ng pagtaas ng interest rate ang Central Bank, dahilan upang matalo  ni dating Prime Minister Kevin Rudd si dating Prime Minister John Howard.

Subalit, ang ekonomiya ng bansa noong taong 2007 ay iba sa natatamasa ngayon ng bansa.

 Ngunit hindi pa din mawawala ang tanong ng marami makakabawas ba ito ng boto sa kasalukuyang administrasyon sa nalalapit halalan.

Kaya abangan sa ika-11 ng Mayo 2022 ang kasagutan sa ikinaasang debate ng mga lider ng partido.

 


Share