COVID-19 outbreak sa South Australia

Trabajador de pizzería 'profundamente arrepentido' de provocar un confinamiento innecesario por COVID-19 en Australia del Sur.

Trabajador de pizzería 'profundamente arrepentido' de provocar un confinamiento innecesario por COVID-19 en Australia del Sur. Source: AAP

Nahaharap ngayon ang South Australia sa isang COVID outbreak.


Mula apat ay umakyat na sa labing pito ang nagpositibo sa virus sa South Australia.

Ayon kay Chief Health Officer, Professor Nicola Spurrier, ipinag-utos na nila na kaagarang magquarantine ang mga tao kabilang ang mga pasyente at staff ng Lyell McEwin Hospital kung saan nagpa COVID test ang nagpositibo na isang walumpung taong gulang na ginang nito lamang Sabado.

"We have identified that there were approximately 90 people, including staff and patients who were in that emergency department and out of an abundance of caution we are in the process of instructing all of those people to be in quarantine."

Sinarado na din ang Port Adelaide Hungry Jacks para isang deep cleaning, pati na rin ang Mawson Lakes Primary School and Preschool at ang Parafield Plaza Supermarket.


Highlights  

  • 17 kaso ng coronavirus sa South Australia
  • NT, WA, Victoria at Tasmania nagptupad ng mga border restriction
  • kasalukuyang isinasagawa ang masusing contact tracing sa South Australia
 

Nagbabala na din ang mga awtoridad na maaring ipatupad ang mga mas mahigpit na restriksyon upang mapigil ang pagkalat ng virus.

Patuloy din ang paghikayat ng gobyerno sa mga nakakaranas ng sintomas na kaagad magpatest.

Kaugnay din nito, itinayo ang mga pop-up testing clinic sa Parafield Adelaide.

Share
Follow SBS Filipino

Download our apps
SBS Audio
SBS On Demand

Listen to our podcasts
Independent news and stories connecting you to life in Australia and Filipino-speaking Australians.
Understand the quirky habits of Aussie life.
Get the latest with our exclusive in-language podcasts on your favourite podcast apps.

Watch on SBS
SBS News in Filipino

SBS News in Filipino

Watch it onDemand
COVID-19 outbreak sa South Australia | SBS Filipino