Highlights
- Sa Metro Manila, masikip pa rin ang mga COVID ICU at COVID wards, sa mga pagamutan
- Sinabi ng Food and Drug Administration na inaasahan nilang i-apply ng emergency use authorization o EUA ng kumpanyang Pfizer ang kanilang bakuna para sa mga batang 5-15 taong gulang
- Kinumpirma ng Partidong PDP-Laban Cusi faction na pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang certificate of nomination and acceptance o CONA para sa darating na eleksyon
Ayon sa OCTA Research tinuturing na “areas of concern” ang mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Benguet, Bataan at Laguna dahil sa tumataas na bilang ng mga kaso