Ipinahayag ni Premier Steven Marshall na ang mga restriksyon kontra COVID-19 ay mababawasan at mapapagaan mula ika - katorse ng buwang ito.
Base sa pag-aamendar na isasagawa, ang bilang ng mga tao sa pagtitipon sa loob ng bahay at sa mga inside venues ay maari nang hanggang 50.
Kabilang sa inihayag na pagpapaluwag ng restriksyon ay ang cap o pinakamataas na bilang ng tao para sa mga pribadong pagtitipon na kasalan o funeral. Ito ay gagawing hanggang 200.
Sa mga sinehan, teatro at stadium, ang bilang na papayagan ay 75% ng kapasidad kapag may gamit na mask at 50% sa kapasidad kung walang gamit na mask.
Papayagan na din sa mga gym ang one person per two sqm density requirement.
Sinabi din niya na ang paggamit ng QR code ay palalawakin kung saan kabilang ang mga mga retail stores at ito ay aarangkada din sa parehong petsa.




