Highlights
- Kasabay ng pag-alis ng Moratorium, magtatapos din sa Linggo ang Jobkeeper at sa Miyerkules ang ibang coronavirus supplement.
- Inaasahang tatas ang bilang ng homeless sa Australia
- Aabutin pa ng taon bago mabayaran ng mga tao ang kanilang utang sa renta
Sinubukang makiusap ng residenteng si Jolene Choo sa kanyang landlord, na bawasan ang kanilang singil sa renta. Nawalan ng hanap-buhay si Jolene dulot ng stage 4 lockdown sa Melbourne.
Buti na lang at nagkaroon ng moratorium sa rental eviction. Nabigyang pagkakataon na aregluhin ng mga landlord at tenants ang pagbabayad sa upa.
Ngayong weekend, tatapusin na ng Victoria, New South Wales, and Western Australia ang mga nasabing Moratorium.
Namimroblema ngayon ang mga tenant tulad ni Jolene.
"I'm actually feeling very unsettled, because I think not only me - a lot of people are still struggling to get back on their feet, and a lot of people are still struggling to find jobs. The only difference with us is that we are only a dollar away from being homeless or having to choose between having a roof over our head or choosing to have food on our table"
Sa New South Wales, higit 40 renters’ groups at charities ang sumulat sa pamahalaan at nagbabala na ang pagpapaalis sa mga tenant ay magdudulot ng pagtaas ng bilang ng mga homeless sa bansa.
Sinabi ng CEO ng Tenants' Union of New South Wales, Leo Patterson Ross, nababahala sila sa paglaki ng utang o rental debt na naiipon ng mga tao.
Ayon sa Pag aaral ng University of New South Wales City Futures Research Centre, tatagal ng taon ang mga rental debt bago mabayaran.
Halos 25percent ng mga umuupa ang nagsasabing nawalan sila ng trabaho dahil sa pandemya at 16percent lang ang nakakuha ng rent variation.
Karamihan pa sa mga ito ay defferal lamang o pagpapaliban ng bayad. Kaya nasa 75,000 households sa buong bansa ang may utang sa renta.
$216 ang karaniwang upa kada linggo. Kung 9 na bwan na hindi makakabayad, aabot ng $8,400 ang utang ng bawat household.
Ayon kay Chris Martin, ang pagkabaon sa utang ang isang dahilan ng pagtaas ng homelessness sa bansa.
Nag anunsyo ang New South Wales, Western Australia and Victoria ng interim measures para hindi mabigla ang mga residente sa pagtanggal ng moratorium.
Pero ayon sa charity group tulad ng Jesuit Refugee Service, pinaghahandaan na nila ang pagdagsa ng mga mangangailangan ng tulong.
Ngapapakain at pansamantalang nagpapatuloy sila ng mga asylum seekers na walang access sa support payment ng pamahalaan sa gitna ng pandemya.
Sinabi ng policy coordinator na si Nishadh Rego, na nababahala sila sa kanilang kapasidad sa pagtulong.
"We're certainly concerned there will be a spike in crisis calls from people who may be asked by their landlord to leave right away or may be asked to enter repayment plans that they can't really meet. And there will be people who are on the street. So we're worried about how we find them a place to live"



