Pamumulitika, at hindi para sa kalusugan ng mamamayan, ang turing ng isang epidemiologist sa naging desisyon ng Australia na magkaroon ng pre-departure COVID-19 tests para sa mga byaherong dadating sa bansa mula China.
Key Points
- Ang mag manggagaling sa mainland China, Hong Kong or Macau ay dapat magpakita ng negative test bago papasukin sa Australia mula January 5.
- Ayon kay Professor Adrian Esterman ng University of South Australia ang requirement na ito ay magpapasama lang sa imahe ng China.
- Pinag-iisipan naman ng federal government kung ang mga papasok na byahero ay kakailanganin na mag PCR o rapid antigen test.
Share





