Nagkasundo ang Koalisyon, Labor at Greens na dapat na ipagbawal ang mga banyagang donasyon sa mga partidong pampulitika. Larawan: Pampederal na Senador Linda Reynolds ng Liberal (AAP)
Sa isang mahalagang ulat na inilabas noong Biyernes, ika-sampu ng Marso, inirekomenda ng komite na binubuo ng iba't ibang partido, ang mahihigpit na mga parusa para sa alinmang partido, o mga grupong kaanib tulad ng isang unyon, na mahuhuling tumatanggap ng mga donasyon mula sa ibayong dagat.
Ngunit doon na nagtatapos ang pagkakasundo ng mga partido.
Nais ng Koalisyon na palawigin ito at ipataw ang pagbabawal sa mga tinatawag na 'third parties', tulad ng maka-kaliwang lobby group na GetUp.
At iyong probisyon na iyon ay nagbabanta sa suporta ng Labor at Greens.



