Key Points
- Sa Pilipinas, mula Enero hanggang Abril ngayong taon, naitala ang 39 cyber incidents sa mga government agencies na nagkaroon pa ng repeated attacks
- Tiniyak ni Australian Ambassador to the Philippines HK Yu na sineseryoso ng Australia ang mga panganib ng cyber attack
- Sa tanong na kung may cyber attack ang China sa mga institusyon sa Pilipinas, gagana ba ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Amerika. Hindi umano ito malinaw, pero ngayon pa lang, may mga bansa nang binabago ang kanilang Mutual Defense Treaty
Samantala, muling iginiit ng Estados Unidos ang kanilang ironclad o matibay na commitment sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.
Ginawa ang pagtitiyak sa pag-uusap nina US Secretary of Defense Lloyd Austin III at Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. Tungkol sa pinakahuling insidente sa pagitan ng China at Pilipinas sa Ayungin Shoal noong June 17.
Sa ibang balita, Inanunsyo ni Vice President Sara Duterte ang posibleng pagtakbo bilang senador ng mag-aamang Duterte sa susunod na eleksyon.