Nina

Nina and Joey G are looking forward to their concerts in Melbourne, Sydney and Darwin Source: supplied by E-Talent International
Parang matagal na kayong magkaibigan, relax at calmado ang paligid sa tuwing maririnig ang kayang pag-awit, ioto ang pagsasalarawan ni Nina sa kanyang mga concert. Kilala sa swabe at kalmadong tinig, ang kanyang album, Nina Live! ay kinilala ng Philippine Association of the Record Industry bilang top selling album ng isang female artist at bilang ika apat o fourth top selling album ng isang OPM artist. Ayon kay Nina hangang sa mga araw na ito lumalapit sa kanya ang mga fans upang ipa-autograph ang luma-lumang kopya ng 'Nina Live!'. Ang awiting pinaka malapit sa kanyang puso? Ang Love Moves in Mysterious Ways, original na inawit ni Julia Fordham. Si Nina ay aawit sa Melbourne, Sydney at Darwin kasama ang dating lead singer ng Side A ngayong soloista Joey G
Share



